Saturday, August 7, 2010

Regine Velasquez: Isang Kahanga-hangang Mang-aawit

                Isa sa mga sikat na mang-aawit sa ating bansa ay si Ms.Regine Velasquez. Siya ay isang mahusay na host sa iba’t-ibang singing contest. At isang magaling na aktres sa iba’t-ibang programa at pelikula. Dahil sa kanyang mga achievements, siya ay nagsilbing inspirasyon hindi lamang ng mga nangangarap na maging singer kundi pati na rin ng mga taong ang nais ay umunlad ang kabuhayan.

               Katulad din ng nakararaming pilipino si Ms.Regine ay laki sa hirap na nangarap na umasenso ang buhay. Sumali siya sa iba’t-ibang singing contest upang matupad ang kanyang mga pangarap. Pero sa buhay ng tao ay natural lamang na may natatalo at nananalo. Isa sa mga taong laging nakakalaban ni Ms.Regine ay si Eva Castillo, kung saan ay may pagkakataon na natatalo siya nito. Pero kahit na ganoon ay naging optimistic siya at hindi pinanghinaan ng loob, at mas lalo pang pinagbuti ang kanyang talento. At sa ngayon ay naging mahusay na mang-aawit.


                 Dahil sa kanyang katatagan hinangaan ko sya ng lubos. Iminulat nya ang aking isip na hindi dapat ako panghinaan ng loob sa mga pagsubok na darating. At lalong hindi dapat sumuko sa hamon ng buhay kahit gaano pa man ito kabigat. Nagkaroon si Ms. Regine ng lakas ng loob dahil na rin sa tulong at suporta ng kanyang pamilya. Tayo rin ay may pamilya at mga kaibigan na handa tayong tulungan sa oras ng problema. At nandyan din ang Diyos na tinutulungan tayo sa mga problema na atin kinaharap at kahaharapin pa lamang. Sa mga problema na dumarating ay mas lalo tayong humuhusay at matatag.


                   Narealized ko na dapat tayong magpursige sa buhay at gawin ang lahat ng ating makakaya sa anumang bagay. Hindi dapat tayo mawalan ng pag-asa, sa halip ay maging matatag. Dapat maging masipag at matiyaga. At higit sa lahat ay dapat tayong maniwala na kaya nating gawin ang lahat kung pagsusumikapan lang. At huwag nating hahayaan na may sumira sa ating mga pangarap. Marami akong  natutuhan sa buhay ni Ms.Regine kung kaya't hinangaan ko sya. Sadyang kahanga-hangan si Ms.Regine Velasquez.
                                                                                                                                                                  
                        
 




 Isinagawa ni: Mariel Suzanne T. Lagarto.



No comments:

Post a Comment