Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa “Hari ng Rock N’ Roll”? Ako, kilalang-kilala ko siya. Mula pa noong ako’y bata pa ay naririnig ko na ang kanyang mga napakasigla at nakamamanghang mga awitin. Marahil ito ang dahilan kung bakit namemoryado ko ang iilan sa mga ito at sa paulit-ulit ko na itong inaawit kasabay ng aking ama ay itinuring ko na rin siyang idolo. Nakakatuwa nga dahil naging idolo rin siya ng aking ama sa pareho naming dahilan ang pinagkaiba lamang ay naririnig namanniya ito sa kanyang nakakatandang kapatid.
Alam niyo ba na bukod sa pag-awit ay ninais din ni Presley na maipakita din niya ang talento niya sa pag-arte? Noong una ay hindi siya pinayagan sa pag-aakalang wala siyang karanasan dito ngunit may nakapagkwento na noong siya ay nasa hayskul ay ipinamalas na niya ang kanyang kakayahan dahil isa siya sa mga napiling gumanap sa kanilang gagawing dula sa kanilang asignaturang Ingles. Dahil nga sa pagpapaliwanag ng pangyayaring iyon ay di rin naglaon ay pinahintulutan na rin siya. Tulad niya ay pinangarap ko ding hindi lang ang pag-awit ko ang maipakita ko kundi pati ang aking talento sa pag-arte na nalaman kulang noong ako ay piniling gumanap bilang OFW sa isang dula-dulaan sa paaralang Assumpta Technical High School .
Ang kauna-unahang pelikula niya ay ang pinamagatang “Love me Tender”, ito din ang pamagat na kanyang kanta. Sa pelikulang ito ay gumanap siya bilang Clint Reno taong 1956. Lumongkot si Presley sa resulta ng pelikulang ito dahil ito lang ang hindi naging “top billing”. Para sa akin, unang sabak pa lamang niya kaya kahit papaano ay maituturing din siyang napakagaling na dahil naging pangatlo pa naman ito. Isa pa, para din sa akin sa pelikulang ito ay napakagwapo talaga niya siguro dahil siguro'y bata-bata pa talaga ang itsura. Kasabay ng taon nito ang pagpapalabas ng “Loving You” kung saan siya naman ay gumanap bilang Jimmy Tampkins. Hindi niya ito malilimutan dahil ito ang una at huling pagsama sa kanya ng kanyang mga magulang bilang mga tagapanood. Sa parehong karanasan, naranasan ko ding suportahan ako ng aking mga magulang sa bawat pagsabak ko sa entablado at syempre nung papahuli na ay di na gaano dahil nakikita nila na wala daw siguro sa akin ang swerte sa pagkanta. Ito ay itinuring kong isang malaking pagsubok sa buhay ko dahil kahit wala na ang suporta nila ay di pa rin ako nakaramdam ng pagod sa pagsali hanggang makuha ko din ang aking minimithi at hanggang ito ay naging daan kung bakit nagbalik muli ang suporta nila sa akin.Parang siya rin dahil matapos ang ilang mga araw ng pagpapalabas nito ay namatay ang kanyang ina ngunit hindi ito naging hadlang sa kanya upang kalimutan ang kanyang nasimulan sa kanyang buhay bagkus katulad ko ito’y tinaggap niya at itinuring bilang pagsubok sa buhay. Marahil nga siguro ito ang naging dahilan niya na mas galingan pa.
Sa lahat ng bagay tayong mga tao ay may masasabing paborito, tama ba? Naging paborito ni Presley ang ngagawa niyang pelikulang pinamagatang “King Creole” taong 1958 dahil ang awiting kanyang ipinamalas dito ay talaga namang pinag-aralang mabuti. Ito na rin ang pinakahuling pelikula niya na “black and white” pa. Ito rin ay nakabase sa pelikulang “ A stone for Danny Fisher” ni Harold Robins. Hindi rin niya malilimutan ang pelikulang “Wild in the country” kung saan ang kanyang kasamahan na pelikulang si Glenn Tyler ay nabalian dahil sa pagkakasampal sa kanya. Sumikat ang “soundtrack” niya sa pelikula lalung-lalo na ang “Blue Hawaii” . Dito ay gumanap ng siya ng 2 katauhan, bilang isang babae at bilang isang lalaki. Ito ay naranasan ko na rin, ako ay gumanap sa dula bilang demonyo at bilang isang anghel. Sa pandinig ay parang napakahirap dahil talagang iba ang 2 katauhan ngunit sabi nga nila kung gusto mo ang isang bagay maisasagawa mo ito ng maaayos kahit ito pa ay may kahirapan. Nakakaramdam ka kasi ng kasiyahan pag ginagawa mo ito. Katulad ni Presley ay naparangalan din ako noon at talaga namang siya ang itinuring kong inspirasyon ko.
Siguro ay nabitin kayo sa aking mga naikwento. Paano pa kaya kung isasama ko pa ang naisaplaka niyang 300 na awitin na may pelikula din? Marahil katulad ko ay mamamangha din kayo sa kanya lalung-lalo na sa kanyang talento sa pag-awit na maituturing pinaka-“asset” niya dahil sa panahon niya ay agad siyang nakakabihag ng babae dahil sa estilo ng kanyang pag-awit.
Bilang pagtatapos, masasabi kong wala ng papalit kay Presley. Sana tulad ko ay makakuha rin ang iba ng inspirasyon na maipakita at maipamahagi ang talento kanilang talento. Salamat sa kanya, Siya ang aking inspirasyon at magpakailanman ay maituturing “Hari ng Rock N’Roll ng Buhay ko”!
Isinagawa ni:
PAMELA S. MENESES
No comments:
Post a Comment