Tuesday, August 17, 2010

"I'm such a winner!"-- Michael V.

    Kilala mo ba siya? Ang korni mo pag hindi! Ayy, hindi pala korni. Kasi baka pagtawanan ka pa kung hindi mo siya kilala. Ang katauhan sa likod ng mukha ni "Bebang" the beautiful girl, Freda Torra mula sa kalawakan ng mga... ahmmm.... Octopus ata yun, Pepito Manaloto at syempre, ang such a loser daw na yaya ni Angelina. Eh sino pa nga ba? obvious naman di ba. The Multi-awarded Comedian na si Michael V. Siya ang komedyante na uod ng ...este ubod ng galing sa pagbanat ng mga jokes at punch lines.
      Si Michael V. ay si Beethoven del Valle Bunagan sa totoong buhay.Kilala rin siya sa tawag na "Bitoy" o "Toybits". ito pa pala, siya rin ay nabansagang "Weird Al" Yankovic of the Philippines dahil sa kanyang translations ng mga Filipino at foreign songs. Naibansag ito sa kanya dahil ang kanta niyang "Sinaktan Mo Ang Puso Ko" ay maihahalintulad sa "You Don't Love Me Anymore" ni Yankovic.Marami pang ibang pinagkakaabalahan sa buhay si Bitoy. Maliban sa pagiging singer, isa rin siyang rapper, voice artist, parodist at komedyante kung saan higit siyang nakilala. Pero iba talaga ang pagco-compose niya ng mga kanta o pagsasalin ng foreign songs sa tagalog.Hinahangaan ko siya hindi lamang sa kanyang talento, mas higit ko siyang hinahangaan sa paggamit nito ng kapaki-pakinabang sa kanyang buhay at pagbabahagi ng kasiyahan sa maraming tao.
       Ang mga kanta na kanyang isinalin sa Tagalog ay 'for fun' sabi nga ng iba. Pero para sa akin, hindi lang iyon ganon. Isa itong talento na sadyang kahanga-hanga kay Bitoy. Hindi niya basta lamang isinasalin ang mga ito sa tagalog, hinahaluan din niya ito ng pagpapatawa na nagugustuhan naman at binibili ng marami.
      Ilan sa mga kanta niya na isinalin mula sa Ingles ay ang "Dalawa'y Naging Isa" na mula sa 'Two Becone One' ng Spice Girls at  "Bumalik Ka Na sa Akin Ngayon" na mula sa 'It's all Coming back to me Now' ni Celine Dion.
      Isa rin sa mga nakakaaliw na kanta ni Bitoy ang "Di Ako Bakla" na inihalintulad sa kanta ni Tuesday Vargas na "Babae Po Ako". Naging hit ito sa mga radio stations noong 2007.
         Hanep talaga si Bitoy, para bang nagtitrip lang pero hindi. Nagsimula siya sa wala pero makikita sa kanya ag kasiyahan sa kanyang pagtatrabaho. I-search niyo man sa yahoo o google, o kung san niyo man gusto basta hindi porno, :) malalaman ninyo ang history este ang life and career ni Bitoy. Natitiyak kong hahangaan niyo din siya.

                                                                  
  isinagawa ni:
Vichelle Angeline Bautista

No comments:

Post a Comment