Nais niyo bang malaman kung sinu-sino ang aming Idolo at kung bakit sila ay aming hinangaan? HALINA'T TINGNAN NA!
Tuesday, August 17, 2010
Ang Nag-iisang "boyband" sa Buhay Ko
A1-isang British-Norwegian boyband na orihinal na binubuo nina Mark Read, Paul Marazzi, Ben Adams at Christian Ingebrigtsen.Binuo sila ni Tim Byrne na siya na ring tumaguyod bilang kanilang manager. Nagsimula ang kanilang pamamayagpag sa larangan ng musika noong taong 1999 dahil sa kanilang patok na first single ang "Be the First to Believe". Nagtapos lamang ang kanilang kasikatan noong taong 2002 ng magdesisyon ang buong grupo na mag-disband matapos umalis si Paul Marazzi na isa sa kanilng mga orihinal na miyembro.
Habang sila ay nasa alapaap pa ng kasikatan ay nagtamo nagpasikat sila ng mga kanta na talaga namang tinilian ng maraming kababaihan.Ilan lamang sa mga ito ay ang "Like a Rose", "Heaven By Your Side", at "Walking in the Rain".Hindi lamang iyon karamihan din ng kanilang mga awitin ay pumapasok sa sikat na sikat na UK Hit Singles Chart.Nagtamo rin sila ng karangalan sa BRIT Awards bilang pagkilala sa kanilang kasikatan sa pagiging boyband.
Hinahangaan ko talaga sila hindi lamang dahil sa kanilang mga awtin kundi dahil sa kanilang pagpupursigi upang maabot lamang ang ganoong lebel na kasikatan. Katulad din ng ibang mga sikat na manananghal sa ating panahon, sila rin ay nangarap lamang nung una at dahil nga sa kanilang sipag ay nasuklian naman ito.
Hanggang nagayon ay naririnig ko pa rin ang kanilang mga awitin sa mga radyo at telebisyon.Marami pa ring mga kabataang katulad ko ang nahuhumaling sa kanilang musika.Kahit ba na naghiwa-hiwalay na ang kanilang mga miyembro ay buhay pa rin sila sa isipan ng nga tao.Alam mu yung pakiramdam na nandiyan pa rin sila kahit alam mung wala na.Masasabi mung nag-iisa lng silang boyband sa buhay mo.
Ipinasa ni:
Shiella May T. Tanglao
"I'm such a winner!"-- Michael V.
Kilala mo ba siya? Ang korni mo pag hindi! Ayy, hindi pala korni. Kasi baka pagtawanan ka pa kung hindi mo siya kilala. Ang katauhan sa likod ng mukha ni "Bebang" the beautiful girl, Freda Torra mula sa kalawakan ng mga... ahmmm.... Octopus ata yun, Pepito Manaloto at syempre, ang such a loser daw na yaya ni Angelina. Eh sino pa nga ba? obvious naman di ba. The Multi-awarded Comedian na si Michael V. Siya ang komedyante na uod ng ...este ubod ng galing sa pagbanat ng mga jokes at punch lines.
Si Michael V. ay si Beethoven del Valle Bunagan sa totoong buhay.Kilala rin siya sa tawag na "Bitoy" o "Toybits". ito pa pala, siya rin ay nabansagang "Weird Al" Yankovic of the Philippines dahil sa kanyang translations ng mga Filipino at foreign songs. Naibansag ito sa kanya dahil ang kanta niyang "Sinaktan Mo Ang Puso Ko" ay maihahalintulad sa "You Don't Love Me Anymore" ni Yankovic.Marami pang ibang pinagkakaabalahan sa buhay si Bitoy. Maliban sa pagiging singer, isa rin siyang rapper, voice artist, parodist at komedyante kung saan higit siyang nakilala. Pero iba talaga ang pagco-compose niya ng mga kanta o pagsasalin ng foreign songs sa tagalog.Hinahangaan ko siya hindi lamang sa kanyang talento, mas higit ko siyang hinahangaan sa paggamit nito ng kapaki-pakinabang sa kanyang buhay at pagbabahagi ng kasiyahan sa maraming tao.
Ang mga kanta na kanyang isinalin sa Tagalog ay 'for fun' sabi nga ng iba. Pero para sa akin, hindi lang iyon ganon. Isa itong talento na sadyang kahanga-hanga kay Bitoy. Hindi niya basta lamang isinasalin ang mga ito sa tagalog, hinahaluan din niya ito ng pagpapatawa na nagugustuhan naman at binibili ng marami.
Ilan sa mga kanta niya na isinalin mula sa Ingles ay ang "Dalawa'y Naging Isa" na mula sa 'Two Becone One' ng Spice Girls at "Bumalik Ka Na sa Akin Ngayon" na mula sa 'It's all Coming back to me Now' ni Celine Dion.
Isa rin sa mga nakakaaliw na kanta ni Bitoy ang "Di Ako Bakla" na inihalintulad sa kanta ni Tuesday Vargas na "Babae Po Ako". Naging hit ito sa mga radio stations noong 2007.
Hanep talaga si Bitoy, para bang nagtitrip lang pero hindi. Nagsimula siya sa wala pero makikita sa kanya ag kasiyahan sa kanyang pagtatrabaho. I-search niyo man sa yahoo o google, o kung san niyo man gusto basta hindi porno, :) malalaman ninyo ang history este ang life and career ni Bitoy. Natitiyak kong hahangaan niyo din siya.
isinagawa ni:
Vichelle Angeline Bautista
Saturday, August 14, 2010
"Justin Bieber - nag-iisa kong idolo"
Lahat tayo ay mayroong kanya-kanyang hinahangaan at iniidulo mapa-saan mang larangan. Pag larangan ng musika ang pag-uusapan, iisa lang ang iniidulo ko. Si JUSTIN BIEBER at wala ng iba.
Si Jeremy Drew Bieber o mas kilala ngayon bilang "Justin Bieber" ang nag-iisa kong idolo, sa larangan ng musika. Ipinanganak siya noong March 1, 1994. Nadiskubre siya ni Scooter Braun sa YouTube, hanggang naging manager niya ito. Pinalipad ni Braun si Bieber sa Atlanta, Georgia, upang sangguniin si Usher hanggang naglagda ng isang kasunduan sa Island Records, at sinimulan niya ang karera bilang mang-aawit.
Alam nating lahat na si JUSTIN BIEBER ay isa ngayon sa mga pinakaiidolo ng mga tao sa loob at labas man ng Asya. Una siyang nakilala sa mga awitin niyang "One Time", "One Less Lonely Girl", "Love Me", at "Favorite Girl" at higit sa lahat, ang "Baby" na talagang nagpasikat sa kanya. Hindi lang ito pumatok sa US, sumikat din ito sa iba't ibang panig pa ng bansa.
Talagang malaki ang paghanga ko kay Justin Bieber. Una sa lahat, siya ang pinaka-batang musikero na nagpahanga sa akin. Sa kanyang murang edad, nakamit niya agad ang ganong kasikatan. Pero bago niya iyon nakamit, alam nyo bang madami siyang pinagdaanan? Masasabi kong malakas talaga ang loob niya! Labingtatlong gulang palang siya nung una siyang nakipagsapalaran sa larangan ng musika. Sa kabutihang palad, nagtagumpay siya!
Ang tototo, mahilig talaga ako sa musika, pero sa dinami-dami ng mga musikerong nakilala ko, si "JUSTIN BIEBER" lang ang naiiba.
Isinagawa ni:
RUSHELLE ANNE N. HILARIO
Si Jeremy Drew Bieber o mas kilala ngayon bilang "Justin Bieber" ang nag-iisa kong idolo, sa larangan ng musika. Ipinanganak siya noong March 1, 1994. Nadiskubre siya ni Scooter Braun sa YouTube, hanggang naging manager niya ito. Pinalipad ni Braun si Bieber sa Atlanta, Georgia, upang sangguniin si Usher hanggang naglagda ng isang kasunduan sa Island Records, at sinimulan niya ang karera bilang mang-aawit.
Alam nating lahat na si JUSTIN BIEBER ay isa ngayon sa mga pinakaiidolo ng mga tao sa loob at labas man ng Asya. Una siyang nakilala sa mga awitin niyang "One Time", "One Less Lonely Girl", "Love Me", at "Favorite Girl" at higit sa lahat, ang "Baby" na talagang nagpasikat sa kanya. Hindi lang ito pumatok sa US, sumikat din ito sa iba't ibang panig pa ng bansa.
Talagang malaki ang paghanga ko kay Justin Bieber. Una sa lahat, siya ang pinaka-batang musikero na nagpahanga sa akin. Sa kanyang murang edad, nakamit niya agad ang ganong kasikatan. Pero bago niya iyon nakamit, alam nyo bang madami siyang pinagdaanan? Masasabi kong malakas talaga ang loob niya! Labingtatlong gulang palang siya nung una siyang nakipagsapalaran sa larangan ng musika. Sa kabutihang palad, nagtagumpay siya!
Ang tototo, mahilig talaga ako sa musika, pero sa dinami-dami ng mga musikerong nakilala ko, si "JUSTIN BIEBER" lang ang naiiba.
Isinagawa ni:
RUSHELLE ANNE N. HILARIO
Ang Hari ng Rock N’ Roll ng Buhay Ko
Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa “Hari ng Rock N’ Roll”? Ako, kilalang-kilala ko siya. Mula pa noong ako’y bata pa ay naririnig ko na ang kanyang mga napakasigla at nakamamanghang mga awitin. Marahil ito ang dahilan kung bakit namemoryado ko ang iilan sa mga ito at sa paulit-ulit ko na itong inaawit kasabay ng aking ama ay itinuring ko na rin siyang idolo. Nakakatuwa nga dahil naging idolo rin siya ng aking ama sa pareho naming dahilan ang pinagkaiba lamang ay naririnig namanniya ito sa kanyang nakakatandang kapatid.
Alam niyo ba na bukod sa pag-awit ay ninais din ni Presley na maipakita din niya ang talento niya sa pag-arte? Noong una ay hindi siya pinayagan sa pag-aakalang wala siyang karanasan dito ngunit may nakapagkwento na noong siya ay nasa hayskul ay ipinamalas na niya ang kanyang kakayahan dahil isa siya sa mga napiling gumanap sa kanilang gagawing dula sa kanilang asignaturang Ingles. Dahil nga sa pagpapaliwanag ng pangyayaring iyon ay di rin naglaon ay pinahintulutan na rin siya. Tulad niya ay pinangarap ko ding hindi lang ang pag-awit ko ang maipakita ko kundi pati ang aking talento sa pag-arte na nalaman kulang noong ako ay piniling gumanap bilang OFW sa isang dula-dulaan sa paaralang Assumpta Technical High School .
Ang kauna-unahang pelikula niya ay ang pinamagatang “Love me Tender”, ito din ang pamagat na kanyang kanta. Sa pelikulang ito ay gumanap siya bilang Clint Reno taong 1956. Lumongkot si Presley sa resulta ng pelikulang ito dahil ito lang ang hindi naging “top billing”. Para sa akin, unang sabak pa lamang niya kaya kahit papaano ay maituturing din siyang napakagaling na dahil naging pangatlo pa naman ito. Isa pa, para din sa akin sa pelikulang ito ay napakagwapo talaga niya siguro dahil siguro'y bata-bata pa talaga ang itsura. Kasabay ng taon nito ang pagpapalabas ng “Loving You” kung saan siya naman ay gumanap bilang Jimmy Tampkins. Hindi niya ito malilimutan dahil ito ang una at huling pagsama sa kanya ng kanyang mga magulang bilang mga tagapanood. Sa parehong karanasan, naranasan ko ding suportahan ako ng aking mga magulang sa bawat pagsabak ko sa entablado at syempre nung papahuli na ay di na gaano dahil nakikita nila na wala daw siguro sa akin ang swerte sa pagkanta. Ito ay itinuring kong isang malaking pagsubok sa buhay ko dahil kahit wala na ang suporta nila ay di pa rin ako nakaramdam ng pagod sa pagsali hanggang makuha ko din ang aking minimithi at hanggang ito ay naging daan kung bakit nagbalik muli ang suporta nila sa akin.Parang siya rin dahil matapos ang ilang mga araw ng pagpapalabas nito ay namatay ang kanyang ina ngunit hindi ito naging hadlang sa kanya upang kalimutan ang kanyang nasimulan sa kanyang buhay bagkus katulad ko ito’y tinaggap niya at itinuring bilang pagsubok sa buhay. Marahil nga siguro ito ang naging dahilan niya na mas galingan pa.
Sa lahat ng bagay tayong mga tao ay may masasabing paborito, tama ba? Naging paborito ni Presley ang ngagawa niyang pelikulang pinamagatang “King Creole” taong 1958 dahil ang awiting kanyang ipinamalas dito ay talaga namang pinag-aralang mabuti. Ito na rin ang pinakahuling pelikula niya na “black and white” pa. Ito rin ay nakabase sa pelikulang “ A stone for Danny Fisher” ni Harold Robins. Hindi rin niya malilimutan ang pelikulang “Wild in the country” kung saan ang kanyang kasamahan na pelikulang si Glenn Tyler ay nabalian dahil sa pagkakasampal sa kanya. Sumikat ang “soundtrack” niya sa pelikula lalung-lalo na ang “Blue Hawaii” . Dito ay gumanap ng siya ng 2 katauhan, bilang isang babae at bilang isang lalaki. Ito ay naranasan ko na rin, ako ay gumanap sa dula bilang demonyo at bilang isang anghel. Sa pandinig ay parang napakahirap dahil talagang iba ang 2 katauhan ngunit sabi nga nila kung gusto mo ang isang bagay maisasagawa mo ito ng maaayos kahit ito pa ay may kahirapan. Nakakaramdam ka kasi ng kasiyahan pag ginagawa mo ito. Katulad ni Presley ay naparangalan din ako noon at talaga namang siya ang itinuring kong inspirasyon ko.
Siguro ay nabitin kayo sa aking mga naikwento. Paano pa kaya kung isasama ko pa ang naisaplaka niyang 300 na awitin na may pelikula din? Marahil katulad ko ay mamamangha din kayo sa kanya lalung-lalo na sa kanyang talento sa pag-awit na maituturing pinaka-“asset” niya dahil sa panahon niya ay agad siyang nakakabihag ng babae dahil sa estilo ng kanyang pag-awit.
Bilang pagtatapos, masasabi kong wala ng papalit kay Presley. Sana tulad ko ay makakuha rin ang iba ng inspirasyon na maipakita at maipamahagi ang talento kanilang talento. Salamat sa kanya, Siya ang aking inspirasyon at magpakailanman ay maituturing “Hari ng Rock N’Roll ng Buhay ko”!
Isinagawa ni:
PAMELA S. MENESES
Friday, August 13, 2010
Saturday, August 7, 2010
Regine Velasquez: Isang Kahanga-hangang Mang-aawit
Isa sa mga sikat na mang-aawit sa ating bansa ay si Ms.Regine Velasquez. Siya ay isang mahusay na host sa iba’t-ibang singing contest. At isang magaling na aktres sa iba’t-ibang programa at pelikula. Dahil sa kanyang mga achievements, siya ay nagsilbing inspirasyon hindi lamang ng mga nangangarap na maging singer kundi pati na rin ng mga taong ang nais ay umunlad ang kabuhayan.
Katulad din ng nakararaming pilipino si Ms.Regine ay laki sa hirap na nangarap na umasenso ang buhay. Sumali siya sa iba’t-ibang singing contest upang matupad ang kanyang mga pangarap. Pero sa buhay ng tao ay natural lamang na may natatalo at nananalo. Isa sa mga taong laging nakakalaban ni Ms.Regine ay si Eva Castillo, kung saan ay may pagkakataon na natatalo siya nito. Pero kahit na ganoon ay naging optimistic siya at hindi pinanghinaan ng loob, at mas lalo pang pinagbuti ang kanyang talento. At sa ngayon ay naging mahusay na mang-aawit.
Dahil sa kanyang katatagan hinangaan ko sya ng lubos. Iminulat nya ang aking isip na hindi dapat ako panghinaan ng loob sa mga pagsubok na darating. At lalong hindi dapat sumuko sa hamon ng buhay kahit gaano pa man ito kabigat. Nagkaroon si Ms. Regine ng lakas ng loob dahil na rin sa tulong at suporta ng kanyang pamilya. Tayo rin ay may pamilya at mga kaibigan na handa tayong tulungan sa oras ng problema. At nandyan din ang Diyos na tinutulungan tayo sa mga problema na atin kinaharap at kahaharapin pa lamang. Sa mga problema na dumarating ay mas lalo tayong humuhusay at matatag.
Narealized ko na dapat tayong magpursige sa buhay at gawin ang lahat ng ating makakaya sa anumang bagay. Hindi dapat tayo mawalan ng pag-asa, sa halip ay maging matatag. Dapat maging masipag at matiyaga. At higit sa lahat ay dapat tayong maniwala na kaya nating gawin ang lahat kung pagsusumikapan lang. At huwag nating hahayaan na may sumira sa ating mga pangarap. Marami akong natutuhan sa buhay ni Ms.Regine kung kaya't hinangaan ko sya. Sadyang kahanga-hangan si Ms.Regine Velasquez.
Narealized ko na dapat tayong magpursige sa buhay at gawin ang lahat ng ating makakaya sa anumang bagay. Hindi dapat tayo mawalan ng pag-asa, sa halip ay maging matatag. Dapat maging masipag at matiyaga. At higit sa lahat ay dapat tayong maniwala na kaya nating gawin ang lahat kung pagsusumikapan lang. At huwag nating hahayaan na may sumira sa ating mga pangarap. Marami akong natutuhan sa buhay ni Ms.Regine kung kaya't hinangaan ko sya. Sadyang kahanga-hangan si Ms.Regine Velasquez.
Isinagawa ni: Mariel Suzanne T. Lagarto.
Subscribe to:
Posts (Atom)