"Ang Aking Idolo Sa Larangan Ng Musika"
Nais niyo bang malaman kung sinu-sino ang aming Idolo at kung bakit sila ay aming hinangaan? HALINA'T TINGNAN NA!
Tuesday, August 17, 2010
Ang Nag-iisang "boyband" sa Buhay Ko
A1-isang British-Norwegian boyband na orihinal na binubuo nina Mark Read, Paul Marazzi, Ben Adams at Christian Ingebrigtsen.Binuo sila ni Tim Byrne na siya na ring tumaguyod bilang kanilang manager. Nagsimula ang kanilang pamamayagpag sa larangan ng musika noong taong 1999 dahil sa kanilang patok na first single ang "Be the First to Believe". Nagtapos lamang ang kanilang kasikatan noong taong 2002 ng magdesisyon ang buong grupo na mag-disband matapos umalis si Paul Marazzi na isa sa kanilng mga orihinal na miyembro.
Habang sila ay nasa alapaap pa ng kasikatan ay nagtamo nagpasikat sila ng mga kanta na talaga namang tinilian ng maraming kababaihan.Ilan lamang sa mga ito ay ang "Like a Rose", "Heaven By Your Side", at "Walking in the Rain".Hindi lamang iyon karamihan din ng kanilang mga awitin ay pumapasok sa sikat na sikat na UK Hit Singles Chart.Nagtamo rin sila ng karangalan sa BRIT Awards bilang pagkilala sa kanilang kasikatan sa pagiging boyband.
Hinahangaan ko talaga sila hindi lamang dahil sa kanilang mga awtin kundi dahil sa kanilang pagpupursigi upang maabot lamang ang ganoong lebel na kasikatan. Katulad din ng ibang mga sikat na manananghal sa ating panahon, sila rin ay nangarap lamang nung una at dahil nga sa kanilang sipag ay nasuklian naman ito.
Hanggang nagayon ay naririnig ko pa rin ang kanilang mga awitin sa mga radyo at telebisyon.Marami pa ring mga kabataang katulad ko ang nahuhumaling sa kanilang musika.Kahit ba na naghiwa-hiwalay na ang kanilang mga miyembro ay buhay pa rin sila sa isipan ng nga tao.Alam mu yung pakiramdam na nandiyan pa rin sila kahit alam mung wala na.Masasabi mung nag-iisa lng silang boyband sa buhay mo.
Ipinasa ni:
Shiella May T. Tanglao
"I'm such a winner!"-- Michael V.
Kilala mo ba siya? Ang korni mo pag hindi! Ayy, hindi pala korni. Kasi baka pagtawanan ka pa kung hindi mo siya kilala. Ang katauhan sa likod ng mukha ni "Bebang" the beautiful girl, Freda Torra mula sa kalawakan ng mga... ahmmm.... Octopus ata yun, Pepito Manaloto at syempre, ang such a loser daw na yaya ni Angelina. Eh sino pa nga ba? obvious naman di ba. The Multi-awarded Comedian na si Michael V. Siya ang komedyante na uod ng ...este ubod ng galing sa pagbanat ng mga jokes at punch lines.
Si Michael V. ay si Beethoven del Valle Bunagan sa totoong buhay.Kilala rin siya sa tawag na "Bitoy" o "Toybits". ito pa pala, siya rin ay nabansagang "Weird Al" Yankovic of the Philippines dahil sa kanyang translations ng mga Filipino at foreign songs. Naibansag ito sa kanya dahil ang kanta niyang "Sinaktan Mo Ang Puso Ko" ay maihahalintulad sa "You Don't Love Me Anymore" ni Yankovic.Marami pang ibang pinagkakaabalahan sa buhay si Bitoy. Maliban sa pagiging singer, isa rin siyang rapper, voice artist, parodist at komedyante kung saan higit siyang nakilala. Pero iba talaga ang pagco-compose niya ng mga kanta o pagsasalin ng foreign songs sa tagalog.Hinahangaan ko siya hindi lamang sa kanyang talento, mas higit ko siyang hinahangaan sa paggamit nito ng kapaki-pakinabang sa kanyang buhay at pagbabahagi ng kasiyahan sa maraming tao.
Ang mga kanta na kanyang isinalin sa Tagalog ay 'for fun' sabi nga ng iba. Pero para sa akin, hindi lang iyon ganon. Isa itong talento na sadyang kahanga-hanga kay Bitoy. Hindi niya basta lamang isinasalin ang mga ito sa tagalog, hinahaluan din niya ito ng pagpapatawa na nagugustuhan naman at binibili ng marami.
Ilan sa mga kanta niya na isinalin mula sa Ingles ay ang "Dalawa'y Naging Isa" na mula sa 'Two Becone One' ng Spice Girls at "Bumalik Ka Na sa Akin Ngayon" na mula sa 'It's all Coming back to me Now' ni Celine Dion.
Isa rin sa mga nakakaaliw na kanta ni Bitoy ang "Di Ako Bakla" na inihalintulad sa kanta ni Tuesday Vargas na "Babae Po Ako". Naging hit ito sa mga radio stations noong 2007.
Hanep talaga si Bitoy, para bang nagtitrip lang pero hindi. Nagsimula siya sa wala pero makikita sa kanya ag kasiyahan sa kanyang pagtatrabaho. I-search niyo man sa yahoo o google, o kung san niyo man gusto basta hindi porno, :) malalaman ninyo ang history este ang life and career ni Bitoy. Natitiyak kong hahangaan niyo din siya.
isinagawa ni:
Vichelle Angeline Bautista
Saturday, August 14, 2010
"Justin Bieber - nag-iisa kong idolo"
Lahat tayo ay mayroong kanya-kanyang hinahangaan at iniidulo mapa-saan mang larangan. Pag larangan ng musika ang pag-uusapan, iisa lang ang iniidulo ko. Si JUSTIN BIEBER at wala ng iba.
Si Jeremy Drew Bieber o mas kilala ngayon bilang "Justin Bieber" ang nag-iisa kong idolo, sa larangan ng musika. Ipinanganak siya noong March 1, 1994. Nadiskubre siya ni Scooter Braun sa YouTube, hanggang naging manager niya ito. Pinalipad ni Braun si Bieber sa Atlanta, Georgia, upang sangguniin si Usher hanggang naglagda ng isang kasunduan sa Island Records, at sinimulan niya ang karera bilang mang-aawit.
Alam nating lahat na si JUSTIN BIEBER ay isa ngayon sa mga pinakaiidolo ng mga tao sa loob at labas man ng Asya. Una siyang nakilala sa mga awitin niyang "One Time", "One Less Lonely Girl", "Love Me", at "Favorite Girl" at higit sa lahat, ang "Baby" na talagang nagpasikat sa kanya. Hindi lang ito pumatok sa US, sumikat din ito sa iba't ibang panig pa ng bansa.
Talagang malaki ang paghanga ko kay Justin Bieber. Una sa lahat, siya ang pinaka-batang musikero na nagpahanga sa akin. Sa kanyang murang edad, nakamit niya agad ang ganong kasikatan. Pero bago niya iyon nakamit, alam nyo bang madami siyang pinagdaanan? Masasabi kong malakas talaga ang loob niya! Labingtatlong gulang palang siya nung una siyang nakipagsapalaran sa larangan ng musika. Sa kabutihang palad, nagtagumpay siya!
Ang tototo, mahilig talaga ako sa musika, pero sa dinami-dami ng mga musikerong nakilala ko, si "JUSTIN BIEBER" lang ang naiiba.
Isinagawa ni:
RUSHELLE ANNE N. HILARIO

Subscribe to:
Posts (Atom)